Saturday, March 7, 2020

Buhay Online English Tutor

Naghanda ako ngunit wala ka
Nagdaan na ang labinlimang minuto ni anino mo, wala pa
Labis ang pag-aalala ko ngayong absent ka
Nais ko sanang itanong kung kumusta ka na?

Maghihintay ako sa pagbabalik mo
Sabik pa naman ako na marami kang natututunan sa mga tinuturo ko
Sadyang nakakaaliw tuwing tayo ay sumasayaw at kumakanta
Di ko masukat ang saya tuwing nakikita kitang masaya

Nung una pa lamang kitang makilala
Sabi ko ang galing naman niya
Hindi ako isang perpektong guro
Pero dahil mahal kita, lahat ng aking makakaya, gagawin ko