Tuesday, November 22, 2016

Hinugot sa tadyang ng lalaki

Ang Babae:
Minamahal, hindi binabalewala.
Nirerespeto, hindi winawalanghiya.
Pinoprotektahan, hindi sinasaktan
Inaalagaan, hindi pinapabayaan.

Kung hindi mo siya kayang mahalin,
wag mo man lang sasaktan ang kanyang damdamin.
Binibilang ng Diyos ang luha niya,
Baka anong karma ang makuha mo pag pinaiyak mo siya.

Ang Babae:
Kapag nagtatampo, dapat sinusuyo.
Kapag may lakad, dapat hinahatid-sundo.
Kapag umiiyak, dapat damayan.
Kapag galit, dapat lambingin yan.

Kung ano pa man ang kanyang ayos,
Wag mong gawin at hayaang siya ay binabastos.
Prinsesa siya ng Pinakabanal at Makapangyarihang Hari,
Wag kang umastang siya ay iyong pag-aari.

Ang Babae:
Kapag nagseselos, mahal ka talaga niya.
Kapag mahal ka niya, ayaw ka niyang mawala sa buhay niya.
Kapag ayaw ka niyang mawala sa buhay niya,
mahalaga ka sa kanya.
Kapag mahalaga ka sa kanya, nais niyang mabuhay ng kasama ka.
Kapag nais niyang mabuhay ng kasama ka,
malamang pag inalok mo siyang magpakasal eh isang matamis na “Oo” ang isagot niya.

Kung wala ka namang balak pakasalan siya,
Wag mo na siyang gawing girlfriend o ligawan pa.
Ang pagkakaibigan, pag-ibig, pagpapakasal ay hindi laro,
Na kapag nagsawa ka na, basta mo na lang ititigil o bibitawan ito.