Showing posts with label Filipino Poems. Show all posts
Showing posts with label Filipino Poems. Show all posts

Sunday, January 1, 2017

LUMINGON KA SA IYONG PINANGGALINGAN

ni Astrid P. Rocha
Petsa: Enero 1, 2017

Kapag tumingin ka sa napagdaanan ng ibang tao
Malalaman mo kung ano yung mga posibleng mangyari sa'yo
Kapag tama, gawin mo, isabuhay mo.
Kung mali ang nakita mo, huwag mong gayahin o tularan ito.

TBC

Wednesday, December 4, 2013

Kabilang rin Siya ng Pamilya



Maagang nawalay ang aking kaibigan sa kanyang ina
Hindi pa man rin siya nakatikim ng gatas mula sa kanya
Kinupkop namin siya na para naming tunay na kadugo
Dahil siya rin ay may buhay at nagdaramdam na puso


Naglalaro rin kami ng habulan
Ngunit pinilit kong itigil dahil baka siya’y mapilayan
Kapag ako’y dumarating, siya ang unang sumasalubong
Masaya siya dahil nasa mabuti ako ‘di dahil siya’y may inaantay na pasalubong

Minsan ay dinidilaan niya ako sa aking kamay
Lalong-lalo na matapos ko siyang pakainin at maipaghimay
Kapag ako’y namamahinga sa sala
Ako naman ay tinatabihan niya

Ang hindi niya gaanong kilala’y kanyang kinakahulan
Pati na rin ang taong kumakatok sa pintuan
Kahit minsan ay siya’y makulit
Hinding-hindi ko siya ipagpapalit

Mahal na mahal ko ang alaga kong aso
Lagi siyang laman ng aking puso
Sapagkat siya’y sa amin ay napamahal na
Maituturing na rin namin siyang kabilang ng pamilya

Tuesday, April 14, 2009

Track and Field, My Sport

Our Filipino Teacher in 3rd year high school, Mr.Jerry Estillore requested us to write a poem of any topic. The criteria includes the usage of verb in filipino, the "pandiwa".
The highlighted words with the color red are the verbs.


Mabilis akong tumakbo
Kahit hindi naman ako hinahabol ng aso
Sa daan man ay maraming mga bato
Nagpapatuloy pa rin ako

Marami na akong natanggap na gantimpala
Sa tagalay kong hindi halata
Noong bata pa ako'y hindi ko inakala
Ang ina ko'y saki'y hangang-hanga

Gusto ko ring lumipad at magkaroon ng pakpak
Pero sapat na ang aking talento dahil maraming pumapalakpak
Alam kong maipagmamalaki akong anak
Sa mga magulang ko'y nagbibigay galak

Matalo man ako ay masaya pa rin
Alam kong may ibang plano ang Diyos para sa akin
Lahat ng ambisyon ko'y susubukang kamtin
Kaya't dapat samahan ko ito ng panalangin

Edukasyon ay dapat pahalagahan
Parte ito ng aking magiging kinabukasan
Madadala ko kahit ako ay mamatay man
Pangalan ko'y maaalala magpakailanman


This poem was created in year 2007 about myself. I engage in sports such as table tennis, badminton, swimming, volleyball and my favorite, track and field. My mother couldn't believe I am a part of the city games here in Cagayan de Oro when i was still in third grade since I'm quite skinny and sickly.