Wednesday, December 4, 2013

Kabilang rin Siya ng Pamilya



Maagang nawalay ang aking kaibigan sa kanyang ina
Hindi pa man rin siya nakatikim ng gatas mula sa kanya
Kinupkop namin siya na para naming tunay na kadugo
Dahil siya rin ay may buhay at nagdaramdam na puso


Naglalaro rin kami ng habulan
Ngunit pinilit kong itigil dahil baka siya’y mapilayan
Kapag ako’y dumarating, siya ang unang sumasalubong
Masaya siya dahil nasa mabuti ako ‘di dahil siya’y may inaantay na pasalubong

Minsan ay dinidilaan niya ako sa aking kamay
Lalong-lalo na matapos ko siyang pakainin at maipaghimay
Kapag ako’y namamahinga sa sala
Ako naman ay tinatabihan niya

Ang hindi niya gaanong kilala’y kanyang kinakahulan
Pati na rin ang taong kumakatok sa pintuan
Kahit minsan ay siya’y makulit
Hinding-hindi ko siya ipagpapalit

Mahal na mahal ko ang alaga kong aso
Lagi siyang laman ng aking puso
Sapagkat siya’y sa amin ay napamahal na
Maituturing na rin namin siyang kabilang ng pamilya

No comments:

Post a Comment