Friday, February 9, 2024

Babaeng manliligaw, pwede ba yun?

Para sa isang dalagang Pilipina, hindi normal para sa kanya na siya ang nanliligaw.

Nais niyang siya ang sinusuyo, binibisita sa kanilang bahay, kinikilala pati ang buong pamilya niya, hinaharana, binibigyan ng pagkain, nirerespeto, minamahal at pinahahalagahan.


Swerte rin ng lalaki kung ang isang dalagang Pilipina ang unang nagpahiwatig o nagsasabi ng kanyang nararamdaman.


Nauunawaan ko naman na may mga taong takot sa rejections o takot na tanggihan o hindi na pansinin matapos magsabi ng totoong nararamdaman.


Panalangin ko nga na magkatagpo na ang isang dalagang Pilipina at binata, yung pareho silang tapat at mahal na mahal nila ang isa't isa.

Yung pinagtagpo at pipiliin nila ang isa't isa kahit anuman ang mangyari.


Kay gandang pagmasdan ang taong masaya at nagmamahalan. Dumating man ang unos o problema, pareho silang luluhod at magkahawak-kamay na kakausapin ang ating Ama sa langit para malutas nila ang kasalukuyang problema.


Para sa dalagang Pilipina, nais niyang malaman ang magagandang katangi-an ng lalaking gusto niya.

Inaalam niya rin ang mga kahinaan nito. Tinitimbang niya kung kakayanin ba niyang tanggapin ang mga ito.


Syempre mas maigi na yung tapat at talagang sinasabi ang kanyang mga kahinaan dahil hindi naman palaging lumalabas ang totoong mga katangi-an sa panahon ng ani o tagumpay.


Kung ako ang tatanungin, sa panliligaw, ang lalaki talaga ang nais kong manligaw sa babae.

Kumbaga, kasama kasi sa panliligaw yung mag-aaya o mag-aalok ka ng date o kaya naman hihingi ka ng pagkakataon na maka-usap o makasama ang taong gusto mo.

Sa Ingles pa, "It's the man's job to do the pursuing."

Kung nagpakita o nagpahiwatig naman ang isang dalagang Pilipina na gusto niya ang isang binata (uulitin ko,

BINATA - walang karelasyon, hindi kasal), hanggang doon lang yun, trabaho na ng isang matinong lalaki na alagaan ang kanyang nasimulan.

Ano nga ba ang simula? Para sa akin, posibleng isang simpleng pagngiti (smile), pag-tingin o bigay attention. Makikita sa mga mata ng isang tao kung ito ay tapat (mabait) o sinungaling (masama).


Ano nga ba ang panliligaw para sa'yo?

Tulad ng sinabi ko noon, ang panliligaw ay hindi isang one-way ticket. Kailangan CONSISTENT.

Importante ang Pakikipagkilala.

Unang una, gusto natin makuha ang pangalan ng natitipuhan natin sa pisikal na anyo.

Ang sumunod posibleng numero o contact number nito.

Sa panliligaw, kasama yung pakikipagkilala o GTKY - Getting To Know You.


Para sa isang dalagang Pilipina, conservative siya, hindi niya basta-basta ibibigay ang lahat ng impormasyon sa unang pagkakataon. Pagkabigay niya ng kanyang pangalan, mapapaisip na ito ng mga tanong tulad ng mga sumusunod:


1. Marunong kaya siyang magdasal?

Paano ba siya magdasal?

Hihilingin ko na siya ang mamuno sa pagdasal dahil nais kong marinig kung paano siya magdasal.

2. Alam na niya ang pangalan ko, aalamanin niya kaya ang mga paborito kong bagay, pagkain, mga ayaw at gusto ko?

3. Nagsimula kami sa pagkakaibigan at kabaitan ang kanyang unang ipinakita sa akin. Ipagpapatuloy niya ba ang magandang asal?


Natatawa ako kasi habang sinusulat ko ito nasa isip ko yung kanta ni Noah Alejandre na Nahuhulog Na Sa'yo